Add parallel Print Page Options

19 Narito, ibinibigay ko sa inyo ang kapamahalaan upang tapakan ang mga ahas at mga alakdan at lahat ng kapangyarihan ng kaaway. Kailanman ay hindi kayo masasaktan ng sinuman. 20 Gayunman, huwag ninyong ikagalak ang mga ito, na ang mga espiritu ay nagpapasakop sa inyo. Ngunit ikagalak nga ninyo na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit.

21 Sa oras ding iyon ay nagalak si Jesus sa espiritu. Sinabi niya: Pinupuri kita, O Ama, Panginoon ng kalangitan at lupa. Itinago mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at sa matalino. Sa mga sanggol ay inihayag mo ito. Ganito ang ginawa mo Ama, dahil ito ay lubos na nakakalugod sa harapan mo.

Read full chapter